a dream yet to come true: Kenosis

March 29, 2008

It’s still a dream… I hope it’ll be a reality soon.

Is there still hope for the ever-dwindling standard of education and the erroneous education system of our country? Statistics shows that only around 7% of those who enter grade one, actually finish college. And included in that 7% are those in the class A-B-C, so what’s there left for those living below the poverty line?

Sigh. I often feel uneasy every time I hear these kind of news but I couldn’t just be indifferent about what’s going on. The more I kept thinking about this, the more I feel a fire burning inside me, compelling me to do something. And yes, I have thought of something. Only thought of. But, I think I could hold it no more and I want to let it out.

Before that, I would like to share some things why I came to think about this. Probably it all boiled down to how I was brought up. Around early elementary, my family faced a crisis and we couldn’t pay for our school fees. I was young back then, but the reality was clear. Often, in fact very often, I hear my mother repeating the words “Study well, it’s the only way to repay those who spent for you”. Without any apprehensions, I obeyed and that mentality was etched in my heart and mind. That was when I started to value education.

“Sirang plaka” I sometimes respond with my thoughts. But slowly I realized how blessed I am. Up till now, on my second year in college, I still enjoy free education. So that’s me.
But I know there are a lot of people who cannot pay their school fees but are not as fortunate to find someone to pay for them. It saddens me to see young children who ought to be in school are outside working or begging not because they do not want to study but because they could not.

Usually, when I get to see game shows or any of these fast-money tactics such as wowowee, I often feel moved by the answers of the participants to questions such as “what will you do with the money if you win” or even questions to surveys on child labor such as “if you are not working right now, what should you be doing?”

They have a common answer. EDUCATION. These people are desperate to study. These people believe that through proper education, they could achieve their goals and realize their own dreams. The parents of these children are doing everything so that they could pay for the tuition and fees of these children. They want to study. They are doing everything to do so.

A tear almost came out from my eye. I see myself in their situation. I could be one of them. But no, someone paid for my education, and it is not something I want to rub it in front of their faces and say “HA! I’m a scholar! Nyenyenyenyenye.. “. It induces all kinds of emotions – of sadness, of mercy, of anger. I hate it all the more if I feel shorthanded that I can’t do anything about it.

I feel it’s the time to move. I am old enough. I can do something. Yes, I can. I had enough of waiting for opportunities to arrive. I think it is about time to create opportunities, not just to wait for them to come. It might be too late. It might not come at all. At least, if I create my own opportunity, I am sure it’ll happen. I just need more people to agree with me though. I cant do it alone.

Here’s one thing. I can show you – yes, you who are reading this now – what I saw, and probably it’ll do the recruitment for me. I want to use our dialect for this, it might just do it better.

Una, nais kong magpatayo ng isang NGO. Yan muna. NGO, NON-GOVERNMENT na organisasyon. Sawa na kasi ako sa sistema sa pulitiko ng Pilipinas. Sawa na ako sa mga taong pinag-pipiyestahan ang perang hindi naman nila pinaghirapan. At ang masaklap pa, eh parang naging isang kultura na ito ng lahat ng mga tao sa gobyerno na hindi na nila ikinahihiya ang malisyosong gawaing iyon.

Ayan pa. Bigla kong naalala ang San Miguel at ang Sumilao Farmers. Nakaiinis lang isipin na ang mga taong gabundok na ang salapi, sila pa ang mga matakaw sa pera. Hinahamon pa ang mga kawawang mga magsasaka sa usapang-legal.. hindi naman kailangan ng kung anu-anong papel o anumang nagpapatunay kung kanino ang lupang iyon. Ang kailangan lamang ay kaunting responsibilidad-panlipunan o social responsibility kung tawagin. Minsan, pagbibigyan natin ang ating puso para humusga.. mamaya na muna ang ating utak na daig pa si Karl Marx sa pagiging capitalist. Ay, teka lang, nagkamali ata ako, wala atang puso ang mga taong ito!

Ayan, may ZTE scandal pa. At kung huhukayin natin ang mga scandal na nagdaan, ewan ko nalang kung matapos pa ba ako. Tantiya ko, hanggang sa ika-100 na pahina, puro pagdaraing pa rin ang masusulat ko.

TAMA NA!!! TAMA NA!! pagod na ako. Ayoko ng umasa sa ating pamahalaan… Mamaya na, baka pagnatanggal ang kurakot sa pamahalaan, mawala na rin ang mismong identidad ng pamahalaang Pilipino. Oo, nakalulungkot isipin, ngunit totoo.

 

Ngayon, ang mismong problema naman. Gusto kong magtayo ng NGO na tumutugon sa kakulangan ng sistema ng edukasyon. Alam kong marami ng mga organisasyon na gumagawa nito. Hindi ko naman sinasabing wala silang naidulot na nakabubuti, ngunit may sarili silang tinatanaw, misyon at layunin [o vision, mission and objectives]. At sa palagay ko, at nilalayon ng organisasyong balak kong itayo na mabawasan ang bilang ng mga batang hindi nakapag-aral dahil hindi nila kaya ang hinihiling ng paaralang pinasukan nila hindi dahil sa kakulangan sa katalinuhan ngunit dahil kailangan nilang magtrabaho.

 

May napanood akong dokyumentaryo tungkol sa child labor. At nung tinanong ang mga bata kung bakit hindi sila nakapag-aral, sagot nila’y dahil napipilitan daw silang lumiban ng 2-3 araw bawat linggo para magtrabaho. Kundi’y wala silang perang pangkain. Hindi na raw sila makahabol sa mga pinag-aralan nila. Pag-uwi naman, sinasalubong na sila ng sangkatutak na gawaing-bahay kaya hindi na rin sila makapag-aral.

 

Kaya, ang organisasyong ito ay ang mismong paaralan nila. Tuturuan sila kung kalian sila pwede. Mas matagal man ang aabutin nila dahil mas mabagal ang daloy ng mga leksyon nila, maiiwasan naman ang drop-out dahil nga ito’y naayon sa bilis na kaya nila. Mababawasan din ang mga homework dahil wala silang oras gumawa ng anumang trabahong pang-akademiko dahil sa mga inaasikaso nila sa kanilang pamilya.Tanging hamon dito, ay sana ma-accredit ng CHED at DepEd ang organisasyong ito, na sana, kapag nakatapos sila ng ilang programa ng organisasyong ito, ay papayagan silang pumasok sa kolehiyo. Sa ganoong paraan, sana makikita ng mga batang ito na may pag-asa pa. meron.

 

Hmm. Matagal-tagal na rin ako nag-isip kung ano dapat ang pangalan ng organisasyong ito. At sa isang klase ng Theology 121, natagpuan ko ang salitang kenosis. Greek daw, ang ibig sabihin ay self-giving o ang pagbigay ng sarili. Tumpak! Iyon nga ang kailangan upang matupad ang pangarap kong ito. Oras na para kalimutan ang sarili at matutong magbigay, magsakripisyo, at magmahal.

 

Kaya nga ako hindi umaasa sa gobyerno natin.. kasi, kulang sila sa pagmamahal. Ewan ko ba kung bakit ansaya-saya nila na mawala pa ang pera ng mga taong kapipiranggot lamang ang kinikita kung ihambing sa milyon-milyon nilang winawaldas para sa pansariling pakay. Ewan ko.. mas matigas pa ata sa bakal ang puso ng mga taong iyon.. teka, TAO nga ba sila?! Lagi kong naririnig ang mga salitang “Hayop ka!” sa mga teleserye… sa tingin ko.. mas mabait pa ang mga hayop sa kanila…

 

Haay.. sana makabuo ako ng isang lipon ng mga volunteers, mga taong hindi iniisip ang sarili .. mga taong walang hinihinging kapalit… mga taong nagmamalasakit … nagmamahal. Sana, dahil sa ganitong pagmamahal, gagawin pa ang higit sa kinakailangan. Ang mga batang ito ay hindi makapag-isip ng matino dahil sino nga bang pag-abalahan ang math, science at English kung hindi nga niya masisigurado ang kaniyang almusal, pananghalian at hapunan? Nilalayon din ng organisasyong ito na magbigay, kahit kaunti man lang, ng tulong sa kanilang pangungunahing pangangailangan para maasikaso nila ang kanilang pag-aaral.

 

Hindi ko naman sinasabi na mali na ang pagtrabaho para kumita para sa sarili. Ang ayaw ko lang ay ang mga taong natitiis ang mga naghihirap na wala silang ginagawa habang sila ay nagliliwaliw hindi na alam kung saan ilalagay ang sobra-sobrang salapi. Hindi lamang volunteers ang kailangan ko, kakailanganin ko rin ng mga sponsors. Kaya siya NGO – sinusuportahan lamang ng mga taong-bayan na may malasakit.

Hindi ko rin sinasabi na dapat sa akin lang mapunta ang pera nila. [o, maging sakim na rin ako.. at hindi ako ganun!] Marami pang problema ang bayang ito, hindi lamang edukasyon. Pero eto ang pangangailangan na tugunan ng organisasyong ito. Marahil, may iba pang organisasyong tumutugon sa kakulangan ng trabaho, o sa pagbigay ng scholarship sa mga papasok ng kolehiyo o kung anumang makataong dahilam.

Hindi ko itinuring na kompetisyon ang mga organisasyong ito. Hindi kagaya ng ABSCBN at GMA na magsasalpukan kung alin ang mas sinusuportahan ng mga tao. Dito, magkaiba an ang layunin ng mga organisasyong ito at alam naming nangangailangan ang lahat ng pera, nabubuo ang pagkaiisa ng mga organisasyong may misyong paunlarin ang ating bayan. Kumbaga, pare-pareho kami ng layunin, magkaiba nga lang ng paraan…

Ayan. Andami ko ng sinasabi. Hmm. Sa palagay ko, eto ay isang tawag ng Panginoon.. hindi ako matatahimik kung hindi ito mangyari.. nawa’y mas marami pang maging mulat sa nangyayari… hindi lamang mulat kundi’y empowered sa darating na tungkulin.. sophomore pa lamang ako.. magjujunior na.. bata pa ba ako? HINDI!! May magawa na ako.. dapat may magawa na ako.. hindi naman ‘to para sa akin..

Para ‘to sa mga bata… para sa bayan.. para sa ikaluluwalhati ng Panginoon!

Hello world!

March 29, 2008

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.